Yamang Dagat
Lawak ng karagatan ay puno ng kabuhayan,
biyayang bigay ng may Kapal sa 'sang katauhan,
lamang dagat na sagot sa'ting kagutuman,
hatid sa mangingisda ay kaunlaran.
Ngunit sa barubal na gawi, isda'y nauubos
ilegal na pangingisda kailan matatapos?
Isinangla ang kabutihan sa kamalia'y yumapos,
ito ba ang isusukli sa biyayang umaagos?
Yamang dagat ay hindi na dumarami,
dulot ng dinamita at lambat na panghuli,
kemikal ay kasangkapan na siyang ipinapatak,
sa tubig pangisdaan upang bulto ng isda ay mahatak.
Hindi masama ang maging matalino upang mabuhay,
huwag lang sanang lapastanganin karagatang bumubuhay,
sila ang bumabalanse sa ekosistema ng mundo,
'sing halaga ng ginto na nagpapanatili ng kaligtasan ng tao.
Yorumlar