top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Yaman ng Edukasyon


Yaman ng Edukasyon

Naihakbang ang paa’t nakapagsalita‚

natutong maglaro‚ mangarap at lumaya‚

sa tahanan ay nabusog ng maraming ideya‚

dahil ang magulang ang naging unang maestra.


Sa paaralan ay nakilala ang papel at lapis‚

sa turo ng guro’y nakikinig nang labis‚

sa paggalaw ng kamay ay nagawang sumulat‚

ibinuka ang bibig at sa pagbasa ay namulat.


Umiiyak man sa pagsulat ng mahabang pangalan‚

o magbasa ng salitang hindi pa nalalaman‚

ngunit ito ang hakbang tungo sa kinabukasan‚

dahil ang edukasyon ay mayroong angking kahalagahan.


Edukasyon ay importante ’pagkat ito’y karapatan‚

humuhubog sa sarili’t ang isip ay binubuksan‚

nalalaman ang mali at kung ano ang tama‚

’di basta nauuto ’pagkat may sariling paniniwala.


Ito ang gumigising ng ating katauhan‚

ang nangyayari sa bansa’y malayang nalalaman‚

kapag ika’y nakapagtapos‚ oportunidad ay lumalapit‚

ang trabahong pinapangarap ay tuluyang makakamit‚


Sa kahirapan‚ edukasyon ay isa nagiging hagdan‚

samahan pa ng tiyaga‚ talino at kasipagan‚

ito ang yaman na ’di nananakaw at nakukuha‚

kaya’t pahalagahan mo hanggang ikaw ay tumanda.


...

Yaman ng Edukasyon by Nerelyn Fabro

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page