top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Wild Flower, ang tula ng pagpapahalaga sa kalikasan


Wild Flower, ang tula ng pagpapahalaga sa kalikasan

Sa gubat man may buhay na dapat alagaan,

kagandahang yaman puno at halaman.

'Di man nakikilala ang pagkakakilanlan,

may sariling tungkulin, iyan ang kagandahan.


Mga halamang gamot na 'di inaakala,

magliligtas ng buhay biyaya ni Bathala.

Aring sagot sa gutom saganang mga bunga,

ng mga punong kahoy na madalas makita.


Silbi'y tagapagligtas sakaling may sakuna,

tagalinis ng hangin na preskong nadarama.

Ligaw sa kaparangan, pahingaha't kanlungan,

bahay ng bawat buhay insekto't kahayupan.


Kalikasa'y ingatan at huwag pabayaan,

makasisigurado tao'y 'di mawawalan.

Hangga't iniingatan buhay at kalikasan

buhay 'di manganganib at 'di pababayaan.


Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page