top of page

Wan Por Ol

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Wan Por Ol A poem about Untied Nation
A poem about Untied Nation


Pagkakaisa ng bansa susi sa kapayapaan,

may kakayahang mabuksan nakakandadong isipan.

Wala ang takot at banta para sa 'pinaglalaban,

pagrespeto at paggalang lubos nating kailangan.


'Di mahalaga ang kulay sa kung sino ang mas angat,

estado ng pamumuhay mayayaman man o salat.

Maging lahing pinagmulan 'di makakapagpaagwat,

nag-iisa ang hangarin, kapayapaan ng lahat.


Samahan na tumutulong sa problema't suliranin,

mga dagok at delubyo— malagpasan ang naisin.

Pang malawakang hidwaan magkasamang lulutasin,

magkakaiba mang lahi katahimika'y hangarin.


Pagkabigkis ay iigting sa darating pang panahon,

tila madikit na dakta pagmamahalan ang layon.

Tuluyan nang maglalaho bangayan ng bawat Nasyon,

pagiging isa ng lahat sa hidwaan ay sulusyon.

...

Wan Por Ol by Ronjo Cayetano

0 comments

Related Posts

See All

Commentaires


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page