top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Walang Talo sa Siguristang Sugarol



Simula nang lumaganap ang nakamamatay na Covid-19 ay lumaganap na rin ang kaliwa't kanang sugal onlayn. Isang larong makapagtatanggal ng inip at aburido ng isang tao.


Dahil na rin sa kawalan ng trabaho at kahirapan ay naingganyo si Nico na subukan ang isa sa mga kinaaadikang sugal ng mga tao ngayon. Ang talpak. Ito ay ang pagtaya o pagsugal sa isang manok na kilala rin sa tawag na ‘online’ sabong. Sa kabila ng kahirapan, nagbak-sakali si Nico na gumanda ang lagay ng kaniyang pamumuhay sa pakikipagsapalaran dito.


Halos ilang linggo siyang nagpabalik-balik dahil ito lang ang nakikita niyang paraan sa ngayon dahil na rin sa higpit ng awtoridad.


“O, Nico, narito ka na naman?,” bungad sa kaniya ni Mang Tasyo na kilala ring mananaya.


“Oo, Mang Tasyo, wala e, malay natin suwertehin.”


Maya-maya pa ay lumabas si Nico sa talpakan na humahagulhol nang iyak.


“Bakit, Nico? Talo na naman ba? Wala ka nang panaya ano? Pautangin muna kita gusto mo? Para makabawi ka.”


“Hindi Mang Tasyo, masaya lang po ako. Nasagot na hiling ko. Mukhang matatagalan na rin po ako bago bumalik dito o baka nga hindi na. Medyo malaki-laki po kasi panalo ko ngayon.”

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page