top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Walang Pasubaling na Pag-ibig


"Anak hinga! Sabayan mo si mommy," iyan ang sigaw sa akin ni mommy habang inaatake ako ng paninikip ng dibdib.


"Mommy hindi ko na po kaya, hirap na hirap na po ako," nanghihina kong sagot bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.


Pagising ko'y nasa hospital na ako.


"Nurse nasaan po si mommy?" tanong ko sa aking tagapag-alaga subalit hindi siya sumagot. Maya-maya'y may inabot siya sa aking sulat.

"Anak pasensya na hindi na kita hinintay magising. Pero may iniwan ako para sa 'yo anak. Alagaan at ingatan mo sana ang bagong puso mo. Mula ngayon palagi na kitang sasabayan huminga."

0 comments

Comentarios


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page