top of page
  • Writer's pictureColin Cris Celestial

Walang Bumibisita


A flash fiction about All Soul's Day
A flash fiction about All Soul's Day

Dumating nanaman ang araw ng mga patay pero wala nanamang dumalaw sa puntod na lumang-luma na tinatanaw ko sa 'di kalayuan. Sa ilang taong pagbisita ko rito sa sementeryo para magmisa para mga bagong namatayan ay napukaw na agad nitong puntod ang aking atensyon ngunit 'di ko magawang lapitan dahil sa pagtataka. Pansin ko pa ang puntod nitong napakadumi, nilulumot, at tila dito pa itinataboy ang mga nagkakalat na tuyong dahon.


Nakakalumbay isipin na wala manlang nagmamahal sa kaniya o kahit nag-aalaga sa kaniyang puntod. At ito'y pala-isipan sa akin dahil sino ba siya? Bakit tila galit o 'di manlang siya naaalala ng tao lalo na ang nagpalibing sa kaniya. Asan kaya ang pamilya niya?


Napailing nalang ako at tuluyang tinahak ang daan papunta rito para mapawi ang katanungang naghahari sa aking isipan.


Subalit napatigil ako nang marating ang puntod dahil sa aking nabasa. Kaya pala walang bumibisita sa puntod na ito.


"Batangkay Family..." Marahan kong bigkas sa apilyedo ng pamilyang pinatay ko noon habang ako'y isang pari.


...

Young Pilipinas flash fictions

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page