top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Tutok sa Pasko



A poem about important occasions before Christmas season
A poem about important occasions before Christmas season


Sa pagpasok pa lang ng buwan ng Setyembre,

kaliwa't kanang musikang pampasko na ang maririnig sa tahanan maging sa kalye.

Abala na ang lahat sa pag-iisip kung paano magsusubi hanggang pagpasok ng Disyembre,

ng perang pang bili ng regalo, pang handa't aginaldong ilalagay sa sobre.


Nakakalimutan na ang ilang mga bagay na dapat ay unahin,

ang iba pang mga mahahalagang pangyayari na dapat ay limiin.

Okasyong dapat muna ay bigyan ng pansin,

oo nga't espesyal ang araw ng pasko, pero malayo-layo pa ito kung ating susumahin.


Sa pagiging abala natin sa darating na pasko,

kung minsan nakaliligtaan na natin ang mahahalagang araw ng ibang tao.

Ang kaarawan ng kapamilya, kapatid, kaibigan at anak na dapat tayo ay prisintado,

ang pagninilay-nilay ng sagradong araw para sa mga mahal nating yumao.


Walang masama sa maaga at mahabang pagdiriwang ng kapaskuhan,

pero sana huwag nating kalimutan ang mga bagay-bagay at pangyayari sa ating kapaligiran.

Ang diwa ng pasko ay pagbibigay at pagmamahalan,

diwa na kung tutuusin kahit na anong okasyon at araw ay puwede magbigay ng kasiyahan.


...

Young Pilipinas Poetry

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page