Tunay na Halaga
Halos limang taon din nagtagal ang relasyon ng magkasintahang Shenaia at Felixto bago tuluyang nauwi sa paghihhiwalayan.
Naging mahirap para kay Felixto na tanggapin na hanggang doon na lamang talaga ang lahat. Sapagkat wala siyang ibang ginawa kundi mahalin, intindihin at alagan ang kaniyang pinakamalahal na si Shenaia.
Dahil sa sobrang pagkalungkot at sakit na dinarama, mas minabuti ni Felixto na sarilinin muna ang lahat.
Habang tahimik na naka-upo sa gater ng tulay na palagi niyang tinatambayan si Felixto kapag malungkot siya, ay maluluha-luha rin niyang pinakikinggan ang paborito niyang kanta ng Parokya ni Edgar.
“O, brad, mukhang may pinagdadaanan tayo ah? ” osyosong tanong ng lalaki na bigla na lamang sumulpot at tumabi sa kaniya.
“Wala 'to brad. Pakiramdam ko lang kasi wala ni isang nagpapahalaga sa akin. Pati kasi pinakamamahal ko iniwan ako,” tugon niya sa lalaki kahit na hindi niya ito kilala.
“Ang lungkot naman no'n brad. Pero huwag mong isipin na wala kang halaga ha. May halaga ka. Siguro hindi n'ya lang alam ang 'yong tunay na halaga kaya ganoon. ‘Di ba ‘yan din 'yong sabi sa pinapakinggan mong kanta?” pagpapalakas na wika ng lalaki sabay tapik.
“Lalaki, natagpuan sa tulay. Patay at puno ng pera ang wakwak na tiyan.”
Comments