top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Tulong, Doraemon!


Tulong, Doraemon! by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)
Tulong, Doraemon! by Nerelyn Fabro (Young Pilipinas Poetry)

Pumupungay na ang ‘yong eyes habang sa tv ay nakatutok,

ni wala kang pakialam kahit sumasakit na ang batok,

“what the? ‘Yong pusa maraming gadget?” Ang bigla mong sambit,

nangarap ka tuloy nang gising habang kay Nobita’y naiinggit.

Ano kayang pakiramdam kapag may kaibigang darating agad,

tipong maglalabas lang ng gadget, save na sa kaaway mong bad,

o kaya sasagot sa assignment mong math kapag ikaw ay tinatamad,

Isang “tulong! Doraemon,” hindi ka na magiging sad.

Inaabangan mo pa ang gabi at humihiling ka sa star,

ngunit binatukan ka ng mama mo at ‘yon! Nakakita ka ng star,

nagising ka tuloy bigla at agad naliwanagan,

hindi magkakatotoo si Doraemon, hindi makatotohanan.

Hindi mo kailangan si Doraemon para sa buhay ay umunlad,

huwag mong tutularan si Nobita kapag usapang reyalidad,

huwag kang umasa sa tulong ng iba, lisanin pagiging tamad,

tulungan mismo ang sarili upang ikaw ay umusad.

1 comment

Related Posts

See All

1 Comment


Unknown member
Jul 15, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page