Tulog Nang Mahimbing
Sa mga oras, araw, buwan at taon na nagdaan,
Hindi pa rin malilimutan ang nakaraan.
Mga panahong matibay pa ang samahan,
Ngunit ngayo'y kami'y inyong nilisan.
Kailangan namin ng inyong gabay,
Upang aming mithii'y ma-isakatuparan.
Kinakailangan namin ang inyong mga alaala,
Para kaming mga gising ay magpatuloy sa buhay.
Ngayong kayo'y nasa inyong hukay,
Nawa'y mabuti ang sinapit ninyo bago humimlay.
Kung 'di man naging mabuti ang pagtatapos,
Ninanais naming makamtam ang hustisya.
Sana magising na ang konsens'ya nang mga nasakdal,
Upang mabigyan nang tamang paghahatol.
Nawa ay makamit na ang hinihintay na hustisya,
Upang humimbing na ang tulog ng mga nakahimlay.
Sa mga minamahal naming namayapa,
Hiling namin na ginhawa na ang inyong dinaranas.
Sisikapin naming magpatuloy sa mundong ito,
Habang inaalala kayong 'di ba namin makakasama hanggang dulo.
Comments