top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Tula sa Malalim na Pagkaunawa


The deeper meaning of a poem
The deeper meaning of a poem

Hindi lamang isang anyo ng literatura ang tula,

na naglalaman ng hiwaga at talinhaga.

Mula sa mga manunulat na bukas ang diwa,

na may layong ipamulat ang kahalagahan at aral nito sa bansa.


Ang tula ay isa ring imbakan ng mga hindi maisiwalat na hinaing,

nagsisilbing liwanag sa mundong madilim.

Tagapakinig sa mga tinig na hindi nabibigyang diin,

siyang naglalaman ng mga natatagong lihim.


Kakampi sa bawat pagdurusa,

kaagapay sa palagiang pag-iisa.

Karamay sa pagluluksa ng masa,

siyang nagpapanumbalik ng saya sa pusong nawawalan na ng pag-aasa.


Ang tula ay hindi lamang isang bahagi ng sining,

para sa mga makatang may natatanging galing.

Ito rin ay may kakayahang makapagpanumbalik ng ningning,

sa mga matang ang liwanag ay hindi na kayang aninagin at sa kadilima'y nahihimbing.


...

Young Pilipinas Poetry

0 comments

Related Posts

See All

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page