top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Tula para sa gintong ani


Tula Para sa Gintong Ani  A poem for bounty harvest

Hayag ang biyayang inihasik sa sanlibutan,

sumibol ang dugo’t pawis na nalaglag sa kalupaan,

langhap sa simoy ng hangin ang panahon ng anihan,

gigintong butil na biyaya at kasaganaan.


Yukod sa kababaan ang uhay na matagal na hinintay,

mga ibo’y nagsisiawit sa magandang araw na  bigay,

hindi maipagkakailang sa hirap ay may tagumpay,

ito ang sukli sa pagod at luhang inialay.


Regalo ng Langit ang panahong may liwanag,

ulan ang siyang nagdidilig ng pag-asa at nagtataboy sa bagabag,

dalawang mahahalagang kasangakapan upang kaginhawaan ay magkaroon ng sinag,

dedikasyo’t paghihintay hindi mananatili sa pagkabulag.


Kimis ng mga kamay ang bigas na nagmula sa hirap,

yakap ang gatangan bilang pasasalamat sa Taas,

nasagot ang dasal na matagal pinangarap,

hindi na maghihikahos pa sa darating na mga bukas.

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page