Tula ng Muling Pagtubo

Naniniwala ako — na sa bubong ng galit na mga ulap‚
sa gitna ng unos at kadilimang yumayakap‚
hindi pa rito nagtatapos ang lahat‚
mas pinapagtibay lamang ang ating balikat.
Nauhaw man ang lupa’t natuyo ang lalamunan‚
ang dahon man ng mga puno’y biglang nagsilagasan‚
may pag-asa’t liwanag pa rin na naghihintay‚
may sisibol na binhi at magbibigay ng kulay.
Sa ilalim ng pabago-bagong panahon‚
kasabay ng pakiramdam na hindi tayo makaahon
at tila ba binabagsakan ng sakuna‚
ang lahat din ng mga ito ay magiging bula.
Naniniwala ako — na kung labis na tayong pinanghihinaan‚
mag-isip lamang ng positibong dahilan‚
at iyong tandaan na ayos lamang na lumuha‚
kung ang lungkot ay saglit ditong mabubura.
Magtiis muna sa ngayon at masusuklian bukas‚
kumapit lamang sa pag-asa‚ hindi pa ito ang wakas.
May naghihintay rin na magandang kinabukasan‚
muli tayong aani‚ muling tutubo ang kapayapaan.
留言