Tula ng kasaganahan, a poem about harvest and abundance
Napakasarap mabuhay
kapag ganitong sagana sa mga gulay
at prutas sa mga tanim na namumunga
na hindi matutumbasan ng materyal na bagay
pagkat ang mga ito ang nagpapahaba sa ating buhay.
Lahat ng ito ay natatamasa
sapagkat ito ay regalo mula sa ating kinikilala
tunay na maituturing na kasaganahan
at nag-aalay sa'tin ng kaginhawahan
na dapat lamang tanggapin at pangalagaan.
Nawa'y napawi na ang mga katanungan
tulad ng "bakit nga ba?"
Bakit mapagmahal ang Diyos?
Dahil ito ay sa kapaligirang binigyang buhay
Para sa ating lahat na kaniyang minamahal.
Walang sawang pasasalamat
ang nais ihandog sa may Kapal
pagkat sa Kaniyang pagmamahal
na hinding-hindi mapapantayan
ng kahit sinumang nilalang sa mundo.
Comments