top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Traje


Flash fiction about love and letting go
Flash fiction about love and letting go

Hindi ko akalaing aabot ako sa puntong ito na ikakasal ako sa taong mahal na mahal ko. Isang senaryo na kahit sa panaginip ko'y hindi ko nakita.


Napaka ganda niya sa suot niyang damit pangkasal. Tila isang anghel ang aliwalas ng kaniyang mukha, habang puno ng emosyon ko siyang tinititigan.


"Ito na ang pangako ko sa'yo mahal ko. Na kasama mo akong patutungo sa harap ng dambana," buong emosyon kong bulong sa babaeng pinakamamahal ko.


"Nangangako akong magpapatuloy ang pagmamahal mo at mananatili ka sa puso ko mahal," sambit ko sa harapan niya kasunod ang isang mariin na halik sa noo bago tuluyang isinara ang takip ng kaniyang kabaong.


...

Young Pilipinas Flash Fictions

0 comments

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page