The Unexpected Reunion
Matagal akong nawalay sa piling ng aking pamilya. Halos sampung taon na rin ang lumipas mula nang huli ko silang nakita at nayakap. Sa wakas, uuwi na ako. Panahon na siguro para sila naman ang pagsilbihan ko.
Bagaman may agam-agam sa kung ano ang sitwasyon nila ngayon, dahil medyo matagal na rin nang huli silang nagpadala ng telegrama. Buo ang loob ko na hinihintay nila ako at sabik na muling makita.
Minabuti kong sa mismong araw ng pamilya ako umuwi bilang isang sorpresa.
“Sa wakas! Narito na akong muli.” Sabik kong bungad sa pintuan ng aming tahanan.
Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang katahimikan. Unti-unting sumukob sa akin ang kalungkutan, subalit agad naman itong naparam nang makita kong pumanaog mula sa itaas ang aking kambal.
Kaagad ko silang tinungo at niyakap nang mahigpit. Ninamnam ko ang kanilang mga yakap habang naghahabulan ang mga luha sa aking mga mata.
“Mukhang hindi kayo lumalaki mga anak ah. Siguro hindi kayo kumakain ng gulay ano?” Pabiro kong wika sa kambal ko. “Teka, nasaan ba ang inyong mama?”
Ipinunto ng aking mga anak ang itaas ng aming bahay.
Agad kong tinungo ang aming kuwarto at halos magkandarapa ako sa pagkasabik.
Pagpasok ko sa silid, bumungad sa akin ang sandamakmak na kalat at nakasusulasok na amoy.
...
Comentários