top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

The Perfect Smile


The Last Supper, a flash fiction about unexpected moment
The Last Supper, a flash fiction about unexpected moment

Ika-labingtatlo ng Marso, abala ang bawat kandidatang kalahok sa Mutya ng Barangay Pinagkaisa 2021, para sa National Costume Attire na kanilang susuotin.


Isa si Alexa sa mga kalahok na talaga namang makalaglag panga ang kagandahan at nakabibighani ang malaperpekto at kaakit-akit ang ngiti. Dahil dito, isa siya sa paborito ng mga manunuod.


Limang minuto na lang at sasalang na siya para irampa ang napakaganda niyang kostyum. Subalit sa hindi inaasahan ay mayroong aberyang nangyari.


"Ngatngatin mo na lang baks, wala tayong gunting," wika ni Alexa sa kaniyang alalay.


Pagkagat ng alalay sa taling napasikip sa bewang ni Alexa ay naalala nitong nalaglag nga pala sa kubeta ang kaniyang pustiso at hindi na niya ito nakuha.


---

Young Pilipinas Flash Fiction

0 comments

Commenti


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page