The Lost
Unti-unti na ngang nasisira ang ating Inang Kalikasan dahil sa walang habas na pagkalbo ng mga tao sa ating kagubatan. Mga taong wala nang ibang inisip kun'di ang pag-unlad ng imprastraktura at sibilisasyon. Masyadong nang nakatuon ang isip nila sa mabilisang pag-unlad gayong naisasaalang-alang ang ganda ng kalikasan. Dahil dito, naging maya't maya ang pagpasok ng kalamidad sa ating bansa na sumasalanta ng buhay at ari-arian ng maraming mamamayan.
Sa hindi napaghandaang panahon dulot ng pabago-bagong lagay ng klima, naging mabilis ang pagpasok ng napakalakas na bagyong si Yolanda sa kalakhang Cebu. Isa ang pamilya ni Mianie sa matinding naapektuhan nito.
Marami ang nawalang buhay at kagamitan dahil sa pananalanta ng bagyong si Yolanda. Kita ang mga iniwang bakas nito matapos nitong daanan at wasakin ang barong-barong nina Mianie na malapit sa tabing dagat.
Kita ang panlulumo ni Mianie sa nangyari at walang tigil na humahagulhol sa pag-iyak habang hindi tumitigil sa paghuhukay sa bunton ng basura at mga nilipad na yero.
“Ate Mianie, ano'ng hinahanap mo d'yan? Bakit ka umiiyak? 'Di ba buhay pa naman kami nina nanay at tatay?” usisa ng kaniyang bunsong kapatid na si Daorin. Subalit tila hindi siya pinansin ng kaniyang ate.
“Kailangan ko 'yong makita. Hindi maaring hindi. Regalo 'yon sa akin ng ‘boyfriend’ ko noong ‘first anniversary’ namin. Hahanapin niya sa akin ang pulang ‘panty’ na 'yon.”
댓글