The Finals
Nalalapit na ang aming finals. Hindi na rin ako magkanda-ugaga sa mga gagawin ko; kung ano-ano ang uunahin ko at mga dapat kong iprayoridad. Sumabay pa ang pagbubukas ng iba't ibang paligsahan sa pagpinta ‘online’ na gusto kong salihan.
Nakahanda na ang camera para sa aming ‘google meet’ para sa aming ‘final exam’.
“Nak, sandali muna tuwangan mo muna si nanay rito!”
“Mr. Sandico, ’settled’ na ba? Mr. Sandico!”
Hindi ko alam kung sino at ano ang uunahin ko. Hindi ako ‘prepared’.
“Wala na talaga ako choice. Bahala na!”
“Mr. Sandico, ano na?”
“Sandali! nasaan na ba ang kodigo ko? Kung kailan ko pa naman kailangan tsaka pa nawala. Tsk! tsk! tsk!” taranta kong tanong sa sarili.
“Mr. Sandico! Sana nag-'mute’ ka muna bago ka nagsalita ano? Nakakahiya naman sa'yo!”
...
Young Pilipinas Flash Fiction
Komentarai