top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Termino



A poem about good leadership and governance
A poem about good leadership and governance

Taong bayan ang siyang pumili,

saksi ang makalyong kamay na may tintang itim sa daliri,

sa anim na taon ninyong pananatili,

panunungkulan sana'y walang bahid ng kurapsiyon at pagtulong na walang pinipili.


Kayo ang pinuno naming inihalal,

pag-asa na siyang mag-aangat sa pagpapagal,

kaginhawaang inasam-asam nang kay tagal,

mga bagong bayani na laman ng bawat naming dasal.


Na kayo ang susing makapagbubukas ng pinto,

sa nakandaduhang kahirapan na sa kaunlara'y nagpahinto,

na kayo ang makapagkakalas ng tanikala,

na nakagapos sa kaban ng bayang ipinagkakait sa madla.


Nasa inyong mga kamay ang kapakanan ng ating bansa,

tapang, prinsipsyo, talino at pakikipagkapuwa-tao ang sagot upang sigalot ay hindi maging banta,

nawa'y sapat na ang terminong nakalaan upang patunayang hindi kami nabigo sa pagbabakasakali,

na sa pagluklok sa inyo ay hindi kami nagkamali.

0 comments

Related Posts

See All

Commenti


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page