Tatlong Linyahang Tula

Lima ang sukat,
dapat sa unang linya,
at sa panghuli.
At samantala,
pito dapat ang bilang,
sa ikalawa.
Ito ay haiku,
na pinag-uusapan,
ang bagay-bagay.
Maaari ring,
tukuyin ang anuman,
sa kalikasan.
Nakikitaan,
ng pagkamalikhain,
ang 'sang piyesa.
Karapat-dapat,
malama't matutunan,
tamang paggawa.
Makabuluhan,
ang hakbang, kalikasan,
na makikita.
...
Comments