top of page
Writer's pictureMichelle Lanterno

Tatak Pinoy: Ilan sa musikerong Pinoy na dapat mo idagdag sa iyong playlist


Bandang Pinoy

Likas na sa’ting mga Pilipino ang hilig sa musika. Ika nga, may golden voice daw ang mga Pinoy na tila laging nasa singing contest kapag may kaharap na videoke. Hindi rin tayo nagpahuli sa pagkakaroon ng magaling na singers at banda na kilala rin sa labas ng ating bansa tulad nila Lea Salonga, Arnel Pineda, The Philippine Madrigal Singers, at Eraserheads.


Hanggang ngayon, maraming bagong henerasyon ng musicians ang patuloy na gumagawa ng magagandang musika. Narito ang ilan sa musikerong Pinoy na worth it idagdag sa iyong playlist:

1. Pinoy rapper na walang takot: Edrick Valentino

Ang rapper- songwriter na si Edrick Valentino ay kilala sa kanyang kanta na Sibak na may halos 500,000 plays sa Spotify. Matapang din siyang naglahad ng saloobin sa kantang Transport na tumatalakay sa ilang kinakaharap na pagsubok ng mga Pilipino. Kwento ito ng paglisan sa Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa at magkaroon ng mas magandang oportunidad. Mapanakit sa katotohanan ang kantang ito dahil sa mga direktang salita sa liriko na hindi nagdalawang isip ihayag ang patuloy na pagtaas ng mga manggagawang Pilipino na iniiwan ang Pilipinas dahil hindi umuunlad ang kanilang buhay sa sariling bansa.


2. Bandang Pinoy na matamis ang musika: Sugarcane

Tulad ng pangalan ng kanilang banda, sobrang tamis din ng tugtog ng kanilang mga kanta. Ang bandang Sugarcane ay may anim na miyembro na sila Carl Guerzon (Vocalist at Bassist), Cedric Angeles (Vocalist at Guitarist), Ronamae Tiñola (Flutist), Frain Reyes (Lead Guitarist), Luis Beato (Keyboardist), at Froilan Bautista (Drummer) muka Marikina City. Isa sa pinakasikat nilang awitin ang Leonora na inspirasyon ang pag-iibigan ni Dr. Jose Rizal at Leonor Rivera. Katumbas ng magandang tunog ng kanta ay siyang sakit naman ng kwento sa likod ng kantang ito. Naitawid ng banda ang kwento ni Dr. Rizal at Leonor sa awitin sa pamamagitan ng lyrics na sobrang compliment sa tugtog ng mga instrumento. Worth it din pakinggan ang iba pa nilang kanta tulad ng Gunita, Dalangin at Paruparo (with JC Herrero).

3. Musikerong Pinoy na tagos sa puso ang musika: Dionela


Ikaw lang mahal

Laman ng tula

Tunog ng gitara't

Himig ng kanta

Kumupas man ang tinig

Ay hindi mawawala

Hiwaga mong dala

Ikaw aking musika


Talaga namang matutunaw ka sa kantang Musika ni Dionela dahil bukod sa magagandang pagkakalatag ng musika, tagos sa puso ang pagkakasulat ng liriko nito. Gumamit siya ng metapora sa paggawa ng kantang ito kung saan inihalintulad ang musical instrument sa pagmamahal sa kanyang kasintahan. Ang iba pa niyang kanta na tiyak mangungusap sa mga tagapakinig ay ang 153, Bahaghari at Sugal.

4. Bandang Pinoy na nakakalma: The Ridleys


Ang apat na miyembrong alternative folk rock band na The Ridleys ay binubuo nila Benny Manaligod (Vocalist), Jan De Vera (Lead Guitarist), Joric Canlas (Bassist), at Bryant Ayes (Drummer). Nakilala sila sa kantang Aphrodite na inspired sa sinaunang dyosang Griyego dahil sa kanyang ganda. Bukod sa magandang tunog ng mga kanta nila, makabuluhan din ang lyrics ng mga ito. Nakakakalma ang mga kanta ng The Ridleys na tila ba pwede mo silang maging pahinga sa magulong mundo. Maari mo i-check ang iba pa nilang gawa tulad ng Meaningful Silence at Maybe.


5. Bandang Pinoy mula sa Norte: Dilaw


Bakit uhaw sa ‘yong sayaw? Bakit ikaw?

Sino ba namang hindi pamilyar sa linyang ito? Ang pasimuno nito ay ang Indie-alternative band — Dilaw. Isa sila sa pinaka inaabangang OPM artist ngayon matapos ang hit song nilang Uhaw na most streamed song ng Spotify Philippines sa loob ng 24 oras. Kasalukuyang umabot na sa 60 million streams ang nasabing kanta.


Mula Baguio City ang mga miyembro ng banda na nagsimula kila Dilaw Obero (lead vocalist at main lyricist) at Vie Dela Rosa (guitarist). Kalaunan, naging bahagi na rin ng banda ang magkapatid na sila Leon (lead guitar) at En Altomonte (keyboards), Tobi Samson (dummer) at kapatid ni Vie na si Wayne Dela Rosa (bass).


Satisfying sa tainga ang tunog ng banda at hindi rin nagpahuli ang magandang pagkakasulat ng liriko. Ilang buwan matapos ang success ng Uhaw, naglabas sila ng kauna unahang EP, “Sansinukob” na may anim na kanta kung saan tumatalakay sa iba’t-ibang suliranin ng mga tao. Walang takot nilang tinalakay ang ilan sa problema ng bansa sa 3019, Kaloy at Maskara. Kabilang din sa EP ang original at slow version ng Uhaw.



0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page