top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Tanggap Ko Na


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas

Tinuruan mo akong mahalin ka,

ngunit ngayo'y nagmamahal ka na ng iba.

Tinuruan mo akong magbago,

ngunit ngayo'y ikaw naman ang nagbabago.

Tinuruan mo akong ngumiti,

ngunit iba na ang iyong pinapangiti.


Tinuruan mo akong lumaban,

ngunit iba na ang iyong pinaglalaban.

Tinuruan mo akong bilangin ang mga numero,

ngunit tatanggaping aalis ka na pagbilang ng tatlo.


Masakit at napakasakit ngunit tatanggapin ko.

Ang oras na dati ay para sa 'kin,

tatanggaping ilalaan mo na sa kan'ya.

Ang mga araw na tayo ay nagsasaya,

tatanggaping ipagpapatuloy mo na kasama s'ya.


Masakit ngunit kailangan kong magparaya,

mahal kita ngunit gusto mo ng lumaya,

kaya tatanggapin ko, bibigyan kita ng saya

kaya ngayo'y pinapalaya na kita.


S'ya na ang magpapangiti sa'yo,

at 'yon ang magdudulot ng lungkot ko.

S'ya na ang bago mong makasasama,

at magsasanhi ng pagkaiwan ko.


Ngunit 'wag kang mag-alala,

masaya akong nakilala ka,

kaya ngayo'y tatanggapin kong aalis ka na,

paalam... Tanggap ko na.

0 comments

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page