top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Tamang Pagkakamali


YoungPilipinas.com Filipino Poetry

Mahika ng pagtitig, ako ay tinamaan,

hinabing pag-ibig, hindi panandalian,

nahulog sa bangin, nalaglag sa 'yong salita,

minahal nang lubos, tiwala mo ay tinuka.


Akala ko ay langit, impyerno pala ang sisidlan,

mala-dagat mong pangako, dapat 'di na nilayagan,

matapos ang init, iniwan mo 'kong tulala,

supling na nabuo, sa 'yo ay balewala.

Iniwan mo 'kong mag-isa, pati anino ko ay nang-iwan,

sanggol na nabuo, bunga lamang ng kamalian,

'di ko magawang tumitig, ako ay nandidiri,

paglobo ng aking tiyan, tila magdudulot ng sawi.


Ngunit ako ay nagkamali, 'pagkat matapos kong manganak,

ako ay natuwa nang marinig kaniyang iyak.

Humupa ang galit, minahal ko siyang tunay,

natalo man sa lalaki, panalo naman sa bagong buhay.


Nagkaroon ako ng pangarap nang siya ay lumaki,

nagtrabaho nang lubos para may pagkain kami.

Panlalaking trabaho, sinugal na rin katawan ko,

ako man ay babae, kayang-kaya rin maging maskulado.


Marahil nga ay babae, mahina pa sa kahoy na marupok,

ngunit 'wag akong maliitin, lakas ko'y subok na subok,

hindi ko kailangan ng lalaki kung kaya ko rin maging sila,

napatunayan ko na rin ngunit mas patutunayan pa.

Magkulay dugo man ang pawis, napapawi naman bigla,

sa supling kong hawak, ayaw ko ng mawala.

"Ma! Ito po ang aking medalya." Wika ng aking anak,

"Salamat, mama." Dagdag niya pa't sa saya ako'y napaiyak.

2 comments

2 comentarios


Miembro desconocido
28 may 2021

💛 KAMUSTAAKINGINA💛

Me gusta

Miembro desconocido
21 may 2021

Naol

Me gusta

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page