Takbo Para Mabuhay
Simula nang isilang ako, hindi na naging mabait sa akin ang mundo. Inabanduna ako ng aking ina. Nagpalipat-lipat ng bahay na maaring masilungan at makatagpo ng kakalinga at magmamahal.
Subalit kahit saan ako mapadpad ay paulit-ulit pa rin ang hirap na dinadanas ko. Kakambal ko na siguro ang kamalasan.
Paulit-ulit akong pinaghahampas ng inakala kong kukupkop sa akin. Binuhusan ng mainit na tubig na tila sayang-saya sa kaniyang ginagawa. Sa sobrang sakit ay ginawa kong magpumigwas hanggang sa tuluyan na akong nakawala sa kaniyang pagkakapit.
Bago tuluyang nagtatakbo papalayo ay nilingon ko siya at matiim kong tinitigan.
“Ano ba ang nagawa kong kasalanan bakit nila ako ginaganito? Kasalanan ko bang naging pusang gala ako na hangad lamang ay pag-aruga?”
Commenti