Susugal Ako
Ang layo na nang naabot ko, ngayon pa ba ako titigil, ngayon pa ba ako susuko?
sa dinami-dami kong tinigilang yugto,
sa dinami-dami kong pinaghawakang mga pangako,
sa pag-aakalang doon ako makakatagpo ng mga sagot sa hinaing puso; pero lahat 'yon naglaho.
Ito na ba ang simula? Ito na ba ang sagot?
sa bawat katagang ibinulong ko sa kawalan, mula sa'king damdamin na tinangay at nilipad ng hangin sa kaitasan,
ito na ba ang sagot.
Tapos na ba ang mahabang panahon nang pahahanap sa kapirasong pulang sinulid,
na magdudugtong patungo sa bagay na matagal ko nang pinapangarap?
Ito na ba, ang sa akin ay pabatid,
nang matagal ko nang paghihintay at pagbulong sa mga ulap?
Wala man kasiguraduhan ang bukas,
mananatili akong nakakapit at hindi kakalas,
sugugal ako—tataya ako sa aming wagas na pag-iibigan,
aalagaan—panghahawakan at iingatan ko ang singsing na simbolo ng mga pangako na sabay naming bibitiwan.
Comments