Susi ng Buhay
Mundo ang hindi nagkasala,
kundi lipunang nakakabahala
sa mga pangyayaring nakapinsala,
sa pagkababae't bungang mga tala,
na hindi na maliligwat sa mga alaala.
Kababaihan ang pinagmulan ng buhay
sa kanila nanggaling ang pagsilay
ng bawat tao sa mundong makulay,
ambag ay 'di lamang pagiging nanay
pagkat pati buhay ay kanilang ini-aalay.
Mula sa susi ng buhay,
iniluwal ang mga pag-asa ng bayan,
sila ang bubuo ng 'di mabilang tulay,
patungo sa pagpapatuloy sa lahing kinagalingan
ng bawat taong may buhay na nananalaytay.
Lahat ng 'to'y nararapat malaman,
bawat hinaing nila'y dapat dinggin,
pagkat ang kapakanan nila'y walang katiwasayan,
dulot ng mundong sa kapwa'y 'di pantay tumingin
na nararapat magwakás mula noon pa man.
...
Susi ng Buhay by Colin Cris Celestial
Comments