top of page

Surpresa Para kay Elsi

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Surpresa Para kay Elsi -A fictional story about celebration and hospitality
A fictional story about celebration and hospitality

Kilala ang mga Pinoy sa pagiging magiliw sa bisita. Kahit anong okasyon at selebrasyon pa, talaga namang todo ‘effort’ sa paghahanda. Kahit na kaunting salo-salo ay hindi madamot at bukas para sa lahat.


“Oi! Micah, bakla, punta ka sa amin sa July 3, ha. Kaarawan ko 'yon. May surpresa raw sa akin si mama.” Galak na bungad ni Elsi sa kaniyang kaklase.


“Sige ba, mag-shasharon kami ha. Hahaha!” Pabirong wika ng kaibigan.


Dumating na nga ang mismong kaarawan ni Elsi. Kahit na kaarawan pa niya nang araw na 'yon, pinili pa rin niyang pumasok.


Kinahapunan, bakas ang ‘excitement’ ng dalagita habang naghahanda papauwi. Inimbita niya halos lahat ng kaniyang kaklase. Masaya silang nagkukuwentuhan, lalo na ang pabirong pagdadala ng plastik ng kaniyang mga kaklase.


Pagbungad nila sa labas ng bahay ay sumalubong sa kanila ang isang litsong baboy na nakabalot pa sa kahon. Naging sabik ang lahat. Subalit balot ng katahimikan ang buong bahay.


Dali-daling tumungo ang dalagita sa loob. “Siguro ito na 'yon. Ang ‘surprise’ ni mama sa akin.

Nabigla si Elsi sa kaniyang nakita pagpasok ng pinto. Ang kaniyang ina, nakahiga't walang buhay at nakabalot pa sa kumot.


...

Surpresa Para kay Elsi - A flash fiction by Ronjo Cayetano


Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page