top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Sumpa Nitong Puso



Young Pilipinas Poem - A promise of love poem
A promise of love poem

Pag-ibig ko liyag ay tanging sa iyo

hindi magmamaliw abutin ma'y siglo,

susuungin lahat, trahedya at bagyo

manatili ka lang dito sa'king mundo.


Hahamakin lahat masunod ka lamang

handa ngang maghirap para sa'yo hirang

wala ni sibat man sa aki'y haharang,

kit'lin man ang buhay, sa kanyon isalang.


Pangako ko sa'yo ika'y iingatan,

higit sa alahas o ano mang yaman

alagaang higit ngayon at kaylan man,

iibiging lagi at pagsisilbihan.


Saksi yaring langit sa aking pangako

hindi ito biro hindi mapapako,

tanganan kang lagi kahit saang dako,

natatanging sumpa nitong aking puso.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page