Sulat Petsa
Dala-dala na naman ni ina ang pentelpen habang papunta sa upuan at mesa na naglalaman ng mga bagong bili niyang gamit sa c.r. Ano pa nga bang bago? Lalagyan niya na naman ng petsa kung kailan niya ito binili at kung kailan ito masisira para raw hindi niya ito malimutan.
“September 5, 2015, ayan!” Wika niya nang may ngiti matapos lagyan ng petsa ang isang kulay dilaw na tabo na binili niya sa palengke.
Ngunit ‘di ko akalaing tutularan ko rin siya. Dala-dala ko ang panulat habang nagbabagsakan ang mga luha. Ano pa nga bang bago? E ganito ang tabaho ko. Kinuha ko na ang lapida na para kay ina. Isinulat ko ang petsa ng kaniyang kapangakan at kung kailan siya nahimlay para hindi ko malimutan.
💛💛💛