top of page

Sulat

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

A flash fiction about a writer's dream
A flash fiction about a writer's dream

Mansyon ang aming bahay. Kilalang-kilala ang pamilya namin sa yaman at maraming lupain. Dagdag pa rito, kahit walo kaming magkakapatid, lahat ng aming luho ay nakukuha agad. Ni hindi rin kami nagugutom dahil sa limpak-limpak na pagkaing nakahain sa kulay ginto naming mesa. Disyembre, nalalapit na ang pasko. Ano pa nga ba ang aasahan? Mapupuno na naman ng Christmas lights ang bahay at magliliwanag ito. Ang christmas tree ay aapaw na naman sa mga regalong binili nina mommy at daddy — mga laruan, bisikleta, bagong damit at pera. Maghahanda rin kami ng mga nag-uumapaw na pagkain at inumin na paniguradong bubusog sa tiyan. Hay buhay, kami na siguro ang pinakamasyan— "Ano na naman ba 'tong bata ka?!" "Puro ka sulat!" galit na wika ni inay nang madampot niya ang papel na sinusulatan ko. Pinunit-punit niya ito't nagsimulang maglatag ng banig na aming hihigaan sa barong-barong. Maaga pa naman ngunit itutulog na lang namin ang gutom. "Sana balang araw, matupad ang isinulat ko."


...

Young Pilipinas Flash Fictions

1 comment

1 Comment


Unknown member
Nov 02, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page