top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Sistemang Pangkapayapaan


A poem about peace and unity
A poem about peace and unity

Hangad kong mundo'y malayo na sa katotohanan,

nangingibabaw na ang gulo at 'di pagkakasunduan,

pinaiiral ang tapang, konsensiya'y pinipiling talikuran,

ginamit na pader taglay na kapangyarihan.


Ingay ang dulot sa dating may katahimikan,

hatid ng sigalot at walang katapusang alitan,

buhay ang kapalit sa prinsipyong pinaglaban,

sino ang may sala? Kun'di digmaan.


Masdan mo ang mga batang musmos at walang muwang,

bakas sa mata ang takot nakayapos sa magulang,

ang iba'y tumatangis dahil sa nadamay na mahal sa buhay—napaslang,

huwag sanang ipagkait ang buhay na dapat sila'y nag-aaral at naglalaro lang.


Bumabagsak na ang ekonomiya at pangkabuhayan,

dulot ng pagtaas ng bilihin dahil sa suplay na nilimitahan,

sino ang kawawa? Mga taong sadlak sa kahirapan,

maging ang lahat ay dumadaing na sa hindi magandang epekto nitong digmaan.


Hiling ng lahat ay hindi pagkakawatak-watak,

sama-samang umangat mabuhay na may galak,

sa ganitong sistema ang lahat ay mabubuhay na payak,

masaya, tahimik at sagana—daigdig ay 'di umiiyak.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page