top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Sino S'ya?


YoungPilipinas.com Filipino Poetry - Young Pilipinas Nerelyn Fabro

Nasilayan ko ang taglay n'yang wangis,

nangungusap ang mga mata ngunit sa lungkot—nakabigkis,

kulang s'ya sa saya ngunit sa ipinakikitang ngiti—lumabis!

Mapagkunwari! Subalit hindi ito malinis.


Nabanaag ko s'yang nakatayo sa salamin,

huminga nang malalim at tila may bibigkasin,

"wala akong kwenta sa lahat, paumanhin,"

sumapat iring bulong upang ilabas ang saloobin.

Hindi n'ya napigilan—tumulo na ang luha,

ngunit nang buo kong kinilatis ang kan'yang mukha,

may napansin ako't may naalala bigla,

ako nga pala at s'ya ay iisa, tama, kami ay iisa nga.

0 comments

Commentaires


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page