top of page

Simoy ng Kapaskuhan

  • Writer: Nerelyn Fabro
    Nerelyn Fabro
  • Aug 30, 2024
  • 1 min read

Simoy ng Kapaskuhan

Sityembre, ang ihip ng hangin ay mag-iiba

dahil si Jose Mari Chan ay lumabas na.

Muling maririnig ang pampaskong musika

at ang galak sa puso ay mag-uumpisa.


Oktubre, magbibilang sa nakasabit na kalendaryo

at magbibihis sa dekorasyon ang bawat baryo.

Kukutitap ang mga parol na masarap kunan ng litrato

at ang saya sa paligid, sa pakiramdam ay panalo.


Nobyembre, ang tunog ng kampana‘y lumalakas na‚

nag-iisip ng regalong maghahatid ng saya.

Titingkad ang ngiti ng mga bata sa palaro,

teka, si ninong at ninang, saan kaya magtatago?


Disyembre, ang pinakahihintay na araw natin,

ang pagsilang ni Hesus, ipagdiriwang ng damdamin.

Sabay-sabay mauupo sa hapag-kainan

at sama-samang yayakapin ang kaligayahan.


Ito ang araw ng bigayan at paghandog ng kabutihan,

kalimutan ang kahapon at ipakita ang pagmamahalan.

Pag-asa ang dala ng simoy ng kapaskuhan,

hangad lamang na payapa ang bawat tahanan.

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page