top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Si Steph at Ang Pangarap niyang Bituwin



A flash fiction about overcoming life challenges of a person with disability.
A flash fiction about overcoming life challenges of a person with disability.

Sa buhay, may mga pagsubok na hindi natin alam kung kakayanin pa ba nating lagpasan o mas mabuti nang sumuko na lang.


Isa si Steph sa maagang pinalugmok ng tadhana. Subalit mas pinili niyang bumangon at mangarap sa buhay.


Habang lumalaki siya ay dala-dala na niya ang bagaheng habang buhay niyang dadalhin. Isang sakit na mabilis na nakaapekto sa kaniyang pangangatawan, kung kaya't kinailangan na niyang maupo sa isang upuang de-gulong upang magsilbi niyang mga paa. Dahilan din ng sakit na ito ang pagkakaroon niya ng taning.


Sa kabila ng kaniyang malubhang karamdaman ay nagpatuloy siya sa kaniyang pangarap. Ang abutin ang mga bituwi. Nagawa rin niyang lagpasan ang palugit sa kaniyang buhay.


Naging tanyag siya sa larangan na kaniyang napili na kung saan naipamamalas niya ang kaniyang talino at pagiging mabibong tao.


Subalit, sadyang naging mapaglaro sa kaniya ang kapalaran. Sa kabila ng kaniyang pagiging tanyag ay unti-unting bumigay ang kaniyang pangangatawan.


Bago pa man siya lubusang binawian ng buhay ay may naiwan siyang salita na kung saan mas hinangaan siya ng lahat—“Disability need not to be an obstacle to success”. At nag-alay siya ng isang libro na nagdulot sa kaniya ng lubos pang katanyagan. Ito ay ang ‘A Brief History of Time’.

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page