top of page

Si Leron ay Sumisinta

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro


Leron‚ Leron‚ sumisinta || buko nito ay pulbura;

Dala-dala mo ay buslo || sisidlan mo ‘to ng droga‚

Pagdating sa inosente‘y || masigasig— inaalok‚

Kahit kapos-kapalaran || humihithit pa sa sulok.


Naligaw ka na ng landas || naaliw— naging mapusok;

Naadik— ayaw tumakas || ‘kaw ang lider‚ nasa tuktok‚

Leron‚ Leron‚ sumisinta || sinisinta mo ay iba;

Dala-dala mo ay buslo || nakaabang ang pangamba.


Leron‚ Leron‚ gumising ka! || huhulihin ka ng pulis;

Bitawan mo na ang droga || sumuko ka na nga! Bilis!

Dala-dala nila‘y baril || ‘wag nang balaking tumakbo;

Baka buhay ay makitil || tapos kinabukasan mo!


Ang sisidlan ay kulungan || subukan mo ngang magbago;

Kilalanin— Panginoon || talikdan nakaraan mo‚

Hindi pa huli ang lahat || sa landas— ‘wag nang lumihis;

Leron‚ Leron‚ sumisinta || iwaglit ang droga‚ bilis!


(||)— Gabay sa pagbasa


--Nerelyn Fabro


Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page