top of page

Si Ina at ang Kaniyang Disiplina

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

A poem about mother nature's conservation
A poem about mother nature's conservation

Tumatangis itong ina sa pambababoy ng anak,

dumadaing sa sakit at dugong dumadanak,

inabanduna matapos pakinabangan taglay na kagandahan,

inaabuso ng tao si Inang Kalikasan.


Hinagpis niya'y sumpa na sa marami'y papatay,

sisingilin ang utang pambayad ay buhay,

sa pagsira sa kabundukan matitibag ang lupa,

basurang ikinalat—mananalanta ang baha.


Magbalik ka sa piling ni ina, pangalagaan ang likas nating kayamanaan,

mahalin at ingatan nang hindi tayo pababayaan,

sa panahon ng tag-init ay mayroong masisilungan,

sa oras ng taggutom may bungang kahoy na maaasahan.


Pangungulila ni ina ay ating wakasan,

akaping mahigpit—obligasyo'y 'wag takasan,

kalusugan niya ay mahalaga, ito'y ating kaligtasan,

sa panahon ng taghirap nasa kaniya ang kaginhawaan.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page