top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Serbisyong Walang Bayad


A poem about a charitable work and services
A poem about a charitable work and services

Pagtulong na hindi humihingi ng kapalit,

pagbibigay na walang kahit sinong pumipilit,

adhikai'y hindi para sa pansariling buhay,

bukas sa loob ang pagiging mapagbigay.


Kumakawang gawa sa kumunidad man o pribado,

hindi iniisip ang gastos kahit sa kababaan ng estado,

ang mahalaga makapaglingkod sa kapuwa tao,

palaging bukas ang kamay sa libreng serbisyo.


Hirap at pagod ay hindi alintana,

kagustuhan ng isip lahat ay makatamasa,

maghatid ng tulong at panibagong pag-asa,

at maging daan sa pagbangon ng pusong nagdurusa.

Para sa kapuwa, hayop at kalikasan,

kahit na mapagod maghatid ng kailangan,

hindi hihinto patuloy ang kabutihan,

pagmamahal at pang-unawa taglay na katauhan.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page