top of page

Sayaw sa Lilim ng Buwan

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano


A flash fiction about love, loneliness and longing. - Young Pilipinas Flash Fiction
A flash fiction about love, loneliness and longing.

“Pangarap ko'y... makita siyang... naglalaro sa buwa...” Naputol ang masiglang pag-awit ni Ice sa kaniyang paboritong awiting Himala nang biglang may narinig siyang kalabog ng pinto sa baba ng bahay, mula sa balkunahe kung saan siya nagmumuni-muni.

Kaya kaagad siyang tumayo, kahit iika-ika ay dali-dali siyang pumanaog upang tingnan kung sino ang dumating.


“Mica, mahal, ikaw pala ‘yan? Kala ko kung sino na. Kumain ka na ba?” masiglang bungad ni Ice sa kaniyang asawa.


Tanging ngiti lamang ang naisagot ng kaniyang asawa at tahimik na pumanhik sa itaas.


“Pagod siguro sa trabaho ang asawa ko kaya hindi man lang ako nagawang sagutin,” bulong ni Ice sa kaniyang sarili. “Kung sana lang hindi ako nabalda sa pagkakaaksidente. Kung sana lang, dalawa pa rin sana kami na nag-mamanage ng car shop,” pahabol niyang wika.


Pagsunod ni Ice sa itaas, nakita niyang nakatayo sa balkunahe ang kaniyang asawang si Mica na nakangiti habang tinitingala ang mga bituin at buwan.


Lumapit siya rito at marahang inakap ang asawa mula sa likuran nito. Habang magkaakap ay sumasayaw-sayaw sila habang itinutuloy ang naudlot niyang pag-awit kanina. “‘Di mahagilap sa lupa ang pag-asa, nakikiusap sa buwan... Himala...”


“Pa! Anong ginawa mo riyan? Bakit yakap mo ang paboritong damit ni mama?”

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page