top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Salang Sinala


YoungPilipinas.com Filipino Poetry

Inggit sa'ting dibdib; dala'y panibugho,

Salitang kuntento; piniling maglaho.

Mali'y kinasihan; sa dilim nagtungo,

Namuhi sa kap'wa; umiral ang tukso.

Konsensya'y 'winaksi; nilinlang ng dyablo,

Umapid sa huwad; suklam na palaló.

Kumitil ng buhay; galit na berdugo,

Puot ang dahilan; pagdanak ng dugo.


Karimarimarim; mahalay na mundo,

Uhaw sa kalam'nan; tao'y binabago.

Kasulasulasok; nakapanlulumo,

Namuhay na sakim; sinar'han ang puso,

Iring mga sala; dahilan ng bagyo,

Inari't sinakdal; pinukol ng bato.

Dagat na asupre; sati'y inilayo,

Inaring panghugas; lagaslas N'yang dugo.

0 comments

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page