top of page

Salamat sa Ulan

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro


A flash fiction about rain
A flash fiction about rain

Sa luntiang bukid‚ malayo sa aming bahay. Mayroong mga punong niyog at mga tanim na saging. Tumutulo ang butil ng tubig sa kanilang mga dahon. At nakasilong ang mga ibon sa pugad.


Umulan. Sa wakas ay umulan. Malakas na malakas. Dumadaloy sa aking katawan. Tumatawa-tawa ako sa sobrang saya at inuunat paitaas ang dalawa kong kamay. Umikot ako nang umikot. Tatawa nang tatawa habang nanginginig na ang mga kamay at buong sistema. Masaya ako. Sa lahat ng pag-ulan‚ ito ang pinakasuwerte.


Hinubad ko ang kulay berde kong damit gayundin ang salawal na sakto lamang sa kurba ng aking katawan. Piniga ko ito at kinusot-kusot para na rin diretso laba na — mawala ang mantsa.


Nababaliw na ako sa pagngiti. At sa huling piga ng aking damit at salawal‚ sinuot ko itong muli nang mabilisan. Pagkatapos ay unti-unti ko nang hinakbang ang aking paa. Tinapunan ko ng huling sulyap ang luntiang bukid pati na rin ang nakatumba at duguang katawan ng kumpare kong si Cesar.


“Sana walang makitang bakas. Salamat sa ulan.”

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page