Salamangkero
Mahilig manood ng salamangka sa telebisyon si kuya Andoy. Minsan nga’y pinapunta niya ang mga bata sa bakanteng lote upang panoorin ang natutuhan niya roon at isa ako sa saksi.
"Huwag kayong kukurap," marahang wika ni kuya Andoy sa mga nanonood at halata sa kan'yang mukha ang pagkasabik sa ipapakita n'yang talento sa amin.
"Heto na! Magic... magic..." mabagal na nawiwiling sambit niya habang kinukumpas ang patpating kawayan. Agad namang naging kalapati ang kanina'y hawak n'yang panyo.
"Wow! Ang galing naman n'yan!" sabay-sabay naming bigkas at pumapalakpak sa pagkamangha.
"Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin! Heto, manood kayo mga bata," muling wika ni kuya Andoy at inihahanda ang patpating kawayan upang ikumpas.
"Magic... Magic..." ani niya ngunit sa pagkakataong ito ay may kakaiba na. Naglaho s'ya bigla na parang bula matapos ang pangyayaring iyon.
Nang sumunod na araw, pinagtumpukan ng mga tao ang naaagnas na bangkay sa bakanteng lote. Natagpuan ang isang kahon at ang lagaring nakabaon pa sa nahating katawan.
Kasalanan ito ni kuya Andoy, nagtiwala kasi ako o sa kan'ya na gagana ang salamangka niyang napanood sa telebisyon.
...
Young Pilipinas Flash Fiction
💛💛💛