top of page

Sahod sa siyudad

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Sahod sa siyudad by Nerelyn Fabro

Nginunguya ni Levi ang kanin nang tumawag ang kaniyang ina.


Sa loob ng isang buwan‚ masayang-masaya ang pamilya niya ‘pagkat sa wakas ay may trabaho na siya. Nakapunta na rin siya sa siyudad kung saan mataas ang sahod‚ malayo sa probinsiya.


“Levi‚ padalhan mo kami ng pambayad sa kuryente at tubig. Paubos na rin ang wifi sa bahay‚ ‘yung mga kapatid mo‚ may gustong pabilhin sa iyo.” saad ng nanay niya sa kabilang linya.


“Kuya‚ bilhan mo naman ako ng tablet at bagong mga damit.” masayang wika ng kapatid niya nang kinuha nito ang telepono sa kaniyang ina.


“Sige. Magpapadala ako‚ hintayin ninyo lang.” ang masiglang tugon niya.


Natulala siya saglit. Ngumuya muli siya ng kanin. Napaluha na lamang si Levi habang nag-uulam ng tirang sardinas. Mahirap talaga kapag ikaw ang inaasahan.

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page