top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Sabik sa Pagkikita


Sabik sa Pagkikita by Nerelyn Fabro , A flash fiction about long distance relationship
A flash fiction about long distance relationship

Sabik na sabik na kayong magkita ng boyfriend mo. Paano ba naman‚ halos limang buwan na kayong hindi nagkikita dahil magkaiba kayo ng pinapasukang trabaho.


Umaabot tuloy hanggang langit ang iyong pagngiti at sobra kang nagpapaganda. Susunduin ka kasi niya sa bahay at hindi ka mapakali. Saan ba kayo kakain? Anong pagkain ba ang pipiliin ninyo? Naglalaro ang mga tanong sa’yong isipan.


Sinuot mo ang kulay pulang bestida na iniregalo niya sa’yo at kitang-kita ang kurba ng ’yong katawan. Naglagay ka ng lipstick at iba pang kolorete sa mukha. 


7:00 na pala ng gabi at habang abala ka sa pag-aayos ng sarili‚ bigla kang napasulyap sa pinto dahil sa malakas na pagkatok. 


“Babe?” Ngumiti ka nang malapad nang marinig ang boses niya. At nang binuksan mo na ang pinto‚ sinalubong mo agad siya ng isang mahigpit na yakap. Ngunit nagulantang ka nang tumunog ang messenger mo at binasa ang mensahe.


“Babe‚ matatagalan ako. Traffic kasi.”


At bigla kang nanginig nang mapagtantong ang niyakap mo ngayon ay walang paa.

...

Sabik sa Pagkikita by Nerelyn Fabro

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page