top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Sa Susunod na Habang Buhay, ang tula ng pangungulila sa alaga


Sa Susunod na Habang Buhay, ang tula ng pangungulila sa alaga Ronjo Cayetano

Hayaan mo akong damhin ang sakit,

namnamin ang bawat kirot sa pusong inukit.

Hayaan mong tanganan ko ang bawat alaala,

ang saya at kulay ng buhay noong tayo'y magkasama.


Sa ngayon, hindi pa ako handang palayain ka,

dudurugin ko muna ang sarili at hahayaang malunod sa mga luha.

Palagi ko pa ring tutunguhin ang kama kung saan ka palaging nakahiga,

ang lambing na walang papantay na siyang nagtatanggal ng aking panghihina.


Pasaan pa at makakamtan ko rin ang pagtanggap,

mabubuong muli ang sarili at masayang titingalain ang ulap.

Doo'y tatanawin ko ang amo ng 'yong mukha,

ang ngiti ng kapahingahang hindi mo naranasan sa lupa.


Sa susunod na habang buhay mahal kong alaga,

sasamahan kita sa lugar kung saan nais mong gumala,

Kaylupit na mundo'y hindi mo na kailangan pang danasin,

hanggang sa muli mahal ko, ako sana'y patawarin.

Commentaires


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page