top of page

Sa Pagbibihis ng Taon

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

A poem about new year's resolution - Young Pilipinas Poem
A poem about new year's resolution


Labing dalawang pilas ng papel ang malapit nang maubos,

sa kahuli-hulihang pahina hangarin ko'y itatantos,

masamang kagawian sa pamamaalam ay matatapos,

at isasalubong sa bagong simula biyaya ay aagos.


Sa pagbibihis ng taon kahubara'y dadamitan,

adhikang may kabutihan adbokasiya'y ipaglalaban,

hindi wastong wisyo sa kalumaa'y iiwan,

pagiging masinop isasakatotohanan.


Galit sa puso tuluyang iwawaglit,

kapatawaran sa kapuwa siyang iaawit,

kasipagang susi makawala sa pagdarahop,

isasabuhay nang mainam nasaan mang lupalop.


Bilang pag-alala sa lilisaning taon,

pasasalamat sa mga aral sa isipa'y ibabaon,

at haharap nang may galak at sa sarili'y may kumpiyansa

sa panibagong taon na bitbit ang pag-ibig at pag-asa

0 comments

Related Posts

See All

You and I

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page