Sa Mundong Walang Karahasan
Buksan ang isipan sa lagay nitong bayan,
bawat isa'y may natatanginging karapatan,
siyang dapat na palaging tandaan,
nang maiwasan samu't saring kaguluhan.
Tulad ng lahat karapat-dapat sa pag-iingat,
sa panahon ngayon na ang madla ay dilat,
subalit nagbubulag-bulagan sa masangsang na kalat,
madalas na biktima mga bata't kababaihang dapat niyayakap.
Hindi isang bagay na pagkatapos pakinabanga'y itatapon,
hindi laruan para sa mga taong sa tawag ng lama'y nagpapalamon,
huwag yurakan ang kanilang puri at dignidad,
itigil ang nakasusulasok na kasamaang nakasisira sa kanilang emosyo't mentalidad.
Karapatan ng mga anak ang mahalin at alagaan ng magulang,
ibigay ang nararapat, punan ang pagkukulang,
ilayo sa dungis ng mundo at mahalay na kaisipan,
sila ang pangarap ng ating hinaharap na lipunan.
...
Sa Mundong Walang Karahasan by Ronjo Cayetano
Comments