top of page

Sa Lumang Bodega

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro



Ramdam ang pagbilis ng hininga. Hindi siya makatakas sa lumang bodega sa mataas na gusali. Hinihingal. Natatakot. Paano nga ba siya makalalayo kung tatlong lalaki ang naghahabol at isa lamang siyang babae?


Bugbog na rin ang kaniyang katawan. May black eye‚ punit ang damit‚ may paso ng sigarilyo sa hita at mga pasa sa kaniyang mukha na dati ay maamo.

“Hahaha! Wala ka nang takas ngayon‚ Paloma!” bumitaw ng malutong na halakhak ang lalaking medyo may edad na.

Iika-ikang tumakbo. Natutumba. Babangon. Hanggang sa makarating na siya sa dulo ng silid. Napaupo. Humagulhol. Nanginginig niyang dinadampot ang mga bagay sa paligid na maaari pang ilaban‚ binabato niya ito sa mga lalaki — kahoy‚ kahon at kung ano pa.

“Huwag ka nang tatakbo. Hahaha!”


“BLAG!” Gumawa ang bote nang malakas na tunog matapos ihagis ng lalaki sa ulo ni Paloma. Nagkalat ang mga basag na piraso at naging dahilan ito para lalong manghina ang babae. Pikit na ang mata.

Hinawakan ng matabang lalaki na may salamin ang buhok ng dalaga at itinayo ito. Marahas ang pagkakasabunot. Nagsimula na silang maghubad ng kasuotan at ginawa ang karumal-dumal na krimen. Mapangahas. Nakuha nila ang langit.

“Isang dalaga‚ nagpakamatay sa loob ng bodega. Depresyon umano ang nakikit—” ang balitang naaalala ni Enteng‚ tatlong taon na ang nakalilipas. Buti na lamang at nadadala sa pera ang media.

Tok! Tok! Tok!

May kumatok sa pintuan. Napatingin ang matabang lalaki habang ito’y naninigarilyo. Walang gana itong pumunta sa pinto at nagsalita agad.

“Ikaw ba ang bagong mag-aapply sa pag-aartista? Ano ang pangalan mo?”

Biglang dumilim ang awra ng paligid at bumungad sa tatlong lalaki na nasa silid ang babaeng duguan at inaagnas na ang katawan ngunit walang mukha.

“Ako ito‚ si Paloma.”

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page