Search
Sa Kaligtasa'y (Patali)was
- Ronjo Cayetano
- May 26, 2021
- 1 min read

Abang-abang nilalang kinitil walang laban,
Mapanudyong serpyente masawata ang hangad,
Alay na gintong butil kandili ang pagsuloy,
Pasaring na humaging bagabag ay dumaloy,
Mula sa kabuktutan, tungong kal'walhatian,
Inari at tinubos lugmok sa kasalanan.
Kalbaryong dinaanan hagdan tungo sa langit,
Sa'yo'y tumataliwas iling na pumipihit,
Satsat na bumubulong patibong na antabay,
Sa karagatang apoy, iniligtas ng Kamay,
Lihis sa'yong landasin tinakmal ng maitim,
Dugo mo ang sumagip iniahon sa dilim.
💯